Tuesday, May 25, 2010

Pagkaing Pilipino # 1 - Adobo

 Adobo


Kung mayroon kayo na kaibigan na Pilipino, sigurado ako na nakakain na kayo ng adobo. 


Ang adobo ang pinaka-kilala na pagkain ng Pilipino sa buong mundo. 
Ang salitang adobo ay nanggaling sa wikang Espanol, at ang ibig sabihin nito ay pag-babad (pag-marinate) ng karne sa iba't-ibang uri ng sarsa. Meron din mga pagkain sa Mexico at sa mga karatig na bansa na tinatawag din na adobo, pero ito ay iba sa adobo ng Pilipino. 


Madalas gawing adobo ang laman ng baboy o manok. Ito ay maaring ibabad sa toyo at bawang bago pakuluan sa toyo, suka, bawang, sibuyas, patatas, paminta at dahon ng laurel. Pagkatapos, ito ay ginigisa para lumutong. Meron din mga tao na ginigisa muna ang karne bago ito pakuluan. 

Ito ang adobo na niluto ko. Meron itong dagdag na "star anise," dahal gusto ko ang lasa nito sa adobo ko. Sa katunayan, ang lasa ng adobo ko ay may hawig sa isang uri ng pagkain na matatagpuan sa Tsina. 

Gutom na ba kayo? Subukan ninyo na magluto ng adobo. Simple lang ito at hindi kailangan ng maraming sangkap!

No comments: